CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Linggo, Setyembre 14, 2008

Rebolusyon : tungo sa tagumpay o sa kabiguan?



Hunyo ng taong 1896 nang inutusan ni Andres Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela na bisitahin si Jose Rizal sa Dapitan at hingin ang kanyang opinyon ukol sa rebolusyon na maaaring maganap dahil sa kawalan ng pag-asa at pagkabigo ng mga reporma(ito ay naganap nang madakip si Rizal at maitapon sa Dapitan). Sinbi sa kanya ni Rizal na hindi marapat na magsagawa ng isang rebolusyon kapag mayroong kakulangan sa armas sa kadahilanang ang mga Espanyol ay kumpleto sa armas at ang pakikpaglaban sa kanila ay mangangahulugan lamang ng kabiguan.

Nasabi ito ni Rizal dahil naalala niya ang rebolusyon sa Cuba na nabigo dahil sa kakulangan sa armas. Natatakot siyang matalo ang mga Pilipino at tuluyan nang mawalan ng pag-asa sa pagtamo ng kalayaan sa bansa. Sa halip ay sinabi niya na ang pagtutulungan ng mga Pilipino, maging mahirap man o mayaman, ang susi sa tagumpay.

Nagkaroon ng kabiguan sa mga reporma dahil sa kahit na may mga Espanyol na opisyal na namulat sa mga tunay na pangyayari sa Pilipinas dahil sa mga panulat sa Sol ay tinatapatan ito ng mga panulat ng mga prayle sa kanilang sariling diyaryo. Isa pang dahilan ang katotohanan na ang mga grupong naitatag para gumawa ng mga reporma ay nabigo dahil sa kakulangan sa pondo para maisagawa ang kanilang mga plano. Isa pa ay nagkaroon ng selos at pagkainggit ang ilang mga miyembro kaya nagkahiwa-hiwalay at nabuwag ang mga asosasyon.

Ang mga dahilang ito parin ang naging dahilan sa pakabigo ng mga rebolusyon. Ngunit kahit na nabigo ang mga ito ay naging daan naman ito sa pagkamulat ng maramig Pilipino na lumaban, gumawa ng paraan at hindi matakot. Matatapang ang mga Pilipino noon para labanan ang mga mararahas na mga Espanyol at itaya ang kanilang sariling buhay para sa sariling bayan. Ngayon, hindi na mga dayuhan ang nang-aapi at nanloloko kundi an gating mga kapwa Pilipino. Kung may nagawa sila noon ay may magagawa rin tayo ngayon.

Kung ako si Rizal ay parehong sago tang aking ibibigay kay Pio Valenzuela. Magsimula ng isang rebolusyon kung ang lahat ay handa na, hindi para matalo kundi para magtagumpay. At kahit na mabigo paman, hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy parin na naghanap ng daan para matamo ang kanilang mithiin – ang matamo ang kalayaan.


- BAYSAY-

1 (mga) komento:

SupheriA Lee ayon kay ...

Mahusay ang inyong panukalang moral revolution. Subalit kailangan ng komprehensibong pagbabago at ang edukasyon o institusyong pampaaaralan ay hindi magiging mabisa kung ang ibang yunit ng lipunan ay mananatiling mapaniil sa reporma at pagbabago.

Tradisyunal rin ang inyong pasagot sa katanungan ukol sa rebolusyon at pagutol ni Rizal.

Para sa inyong pagbuo at magandang pagsulat ng entry, ang inyong marka ay 1.25 o 19/20.