CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Linggo, Agosto 17, 2008

Reproductive health bill 2008- -Ano nga ba ang pakinabang?? Tama ba ang nilalaman?? -


Ang pagsasabatas ng wastong kaalaman sa kalusugan at ng pagpaplano ng pamilya ay matagal nang kinokontra ng Simbahang Katoliko. Pero kahit hindi sang-ayon ang simbahan ay sinasabi ng “Committee on appropriations chairman Rep. “Edcel C. Lagman (1st district, Albay) na isinusulong ng kanyang komiti at ng komiti para sa kalusugan, populasyon at pampamilyang relasyon(committee on health, population and family relations) at sinusuportahan ng animnapu’t pitong konggresista.

Nakapaloob sa isinusulong na batas na ito na dapat magkaroon ang mga taong nasa tamang edad ng tamang edukasyon ukol sa pagplano ng pamilya o “reproductive health”; kasama na rito ang tamang paggamit ng mga tinatawag na “contraceptives” na binibili ng mga ospital; ang gobyerno ay dapat magtanggap sa trabaho ng mga magpapanaganak na ang bilang ay isa sa bawat isang daan at limampung nanganganak sa isang taon; dapat ring malaman kung ilan ang mga namamatay sa panganganak.

Ang simbahang katoliko ay hindi sang-ayon sa batas na ito sapagkat para sa kanila ay isa lang itong paraang upang gawing legal ang sinasabing pagpapalaglag ng mga sanggol. Pero kahit ganito raw ay sinasabi naman ng mga nagsulat ng batas na ito ay hindi naman pinapayagan ang pagpapalaglag.

Para sa amin tama naman ang mga sinasabi sa isinusulong na batas na ito sapagkat ang natural na paraan ay hindi sapat upang pigilan ang dami ng taong nabubuntis. Hindi lahat ng babae ay pare pareho kaya maliban sa tinatawag na “abstinence” ang ibang paraan na natural tulad ng pagbibiliang sa kalendaryo kung kalian sinasabing hindi “fertile” ang isang babae ay maaring hindi maging epektibo sapagkat mahirap ito matantiya. Hindi naman pwedeng ipilit sa mga tao ang “abstinence” sapagkat hindi natin nababantayan ang bawat kilos nila. Ang maari na lamang gawin ay ang pagpagamit sa kanila ng mga kiontraseptibo upang mabawasan ang mga pagkakataon na may mabuntis.

Ligtas rin naman ang paggamit ng mga “contraceptives” ayon sa mga doctor. Ang mga kontraseptibong ito ay ang mga tinatawag na “pills”, “condom”, “IUD” at iba pa. ligtas raw ang paggamit ng mga ito tulad ng “pills” sapagkat maliban sa pagpigil sa pagigilng “fertile” ay marami pang ibang benepisyo ang makukuha ng babae tulad ng pagganda ng kutis. Pero kahit na hindi masamang gamitin ang mga ito ay dapat muna kumonsulta sa mga doctor nila ang mga babae upang malaman kung hiyang ang kanilang katawan sa ganitong mga gamot.

Praktikal lamang ang paggamit ng mga bagay na ito na nakasaad sa batas. Malaki ang maitutulong ng wastong pagpaplanong ito lalo na sa mga pamilya kung saan ang mga magulang ay konti lamang ang mga suweldo. Kung konti lamang ang kanilang mga anak ay mas mabibigyan nila ito ng magandang kinabukasan at mas masaganang pamumuhay. Kung marami nanam ang anak at konti lamang ang kinikita bawat buwan ay mas lalo silang maghihirap at mahihirapan silang maghanap ng makakain. Hindi tulad na kung kokonti lang ang anak ay mas malaki ang pagkakataong mapag-aral pa sila sa magagandang paaralan at maging maunlad na mamamayan ng ating bansa at malaki ang kanyang maitutulong bilang isang importanteng bahagi ng lipunan sa kinabukasan.

Maliban sa mga magagandang maidudulot nito sa mga pamilya, malaki rin ang maitutulong nito sa populasyon ng bansa. Kung liliit ang dami ng mga babaeng nanganganak ay mas liliit rin ang populasyon at hindi na tayo masisikipan sa ating bansa. Hindi na masyadong magkukulang sa mga likas na yaman sapagkat magkakaroon na ng mas malaking sukat ng lupa na mapagtataniman. Dahil dito baka mas gumanda ang ating ekonomiya.

Kahit na mabuti ang hangad ng simbahan sa kanilang pagtutol sa batas na ito ay may mga bagay rin naman na dapat nating isaalang-alang. Dapat tayong maging praktikal at isipin ang kalagayan ng bawat pamilya at ng ating bansa ngayon. Kung aasa lamang tayo sa mga natural na pamamaraan ay hindi tayo makakasiguro sa ating kalagayan. Hindi naman natin pwedeng pagsabihan ang lahat ng tao sa bawat sulok ng ating bansa at hindi natin silang lahat pwedeng pilitin o diktahan ang bawat kilos. Ang dapat na lamang gawin ay siguraduhin na ano man ang mangyari sa mga tao ay panatilihin silang ligtas.


-_HiYuM_-;)

4 (mga) komento:

Juan Paulo ayon kay ...

wow... ganOn?? sOsyaL taLaga kamu.. hehE, baLits warAy kO La mahimO. ajA!!
hAy nAkO!! pAnO nA kAmi?? crispiN bAsiLyo!! ngEk, warAy Lang.. gOod nighT!!

hingyap ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
SupheriA Lee ayon kay ...

Maganda ang pagkakabatay ng inyong pananaw sa artikulong isinulat ninyo para sa inyong pahina. Ngayon nasusuong tayo sa isang krisis sa bansa dahil sa dumadaming bilang ng mamayan sa bansa, at kung hindi ito maagapan ay magdudulot ng malaking pinsala sa ekonomiya at politika ng ating bansa. Ang gusto ko sanang makita sa inyong blog ay kung papaano at bakit napakalaki ng kapangyarihan ng Simbahan sa mga usaping polisiya, at ito ba ay makakayang i-eksplika ng ating kultura at kasaysayan. Ipagpatuloy ang inyong paggawa ng makahulugang artikulo.

SupheriA Lee ayon kay ...

Nais ko purihin ang inyong grupo sa isinlat ninyong artikulo. Ang ating bansa ngayon ay humaharap sa isang krisis tungkol sa pagdami ng mga Pilipino at ang pagbaba ng kalidad ng pamumuhay sapagkat kumokonti ang mga responsableng magulang sa ating bansa. Ang panukala ng gobyerno ay sadyang sumasaklaw sa buhay at paniniwala ng mga tao sa bansa, marapat rin siguro na tayo ay magtanong kung bakit napakahalaga ng opinyon ng Simbahan tungkol sa usaping ito. Sa tingin ninyo saang bahagi ng ating kasaysayan ang nagbibigay paliwanag kung bakit kahit ang Estado ay nakahiwalay sa Simbahan, mas pinakikinggan ng mga mamamayan ang pananaw ng mga pari kaysa sa mga opisyal na nasa gobyerno.