CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Linggo, Agosto 17, 2008

Laban ng mga Moro: Panahon ng mga Espanyol hanggang sa Kasalukuyan



Mula pa noong simula ng pananakop ng mga Espanyol ay kapit bisig na ang mga kababayan nating mga Muslim sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan. Ayaw na ayaw nilang masakop ng mga dayuhan at maalila. Tanging mga lupain ng mga Muslim sa katimugan at ibang mga kababayan natin na pumunta sa kabundukan at nagtago ang nakaiwas sa karahasang ipinamulat ng mga Espanyol sa mga Pilipino sa loob ng mahigit 300 taon. Ninais nilang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan at kultura. Hanggang sa nasakop na naman ang ating mga ninuno ng iba pang mga dayuhan ay nanatili pa rin ang mga Muslim sa kanilang matibay na paninindigan ng malayang lipunan.
Noong taong 2001 ay sumulat si Prof. Nor P. Misuari sa “Secretary General ng United Nations” na si Sec. Gen. Kofi Annan. Sa unang bahagi ay nakasaad doon na simula lamang noong ika- 4 ng Hulyo 1946 hanggang sa kasalukuyan napasailalim ang mga Bangsamoro sa Republika ng Pilipinas dahil sa pagkakataong ito ay ang mga namumuno ay kapwa nila Malay. Ngunit, sa kasamaang palad ay hindi daw naging pantay ang trato sa kanila ng mga bago nilang pinuno. Dahil sa nakita nilang di- pantay na pamumuno ay dito na nagsimula ang mga rebelyong isinagawa ng mga Moro. Marami silang mga karahasang nagawa maipadama lamang sa gobyerno ang masidhi nilang pangangailangan ng ibang pamumuno.
Sa kasalukuyan, umiinit na naman ang isyu patungkol sa paghahangad ng iba sa mga kababayan nating mga Muslim ng hiwalay na Republika sa Republika ng Piliipinas na tinatawag nilang BangsaMoro Republic. Pilit pa rin nilang isinususulong ang katuparan ng matagal na nilang hangad na hiwalay na republika.
Ang gobyerno ng Pilipinas at ang MILF ay gumawa ng “Memorandum of Agreement” para malutas na ang isyung ito. Ang MOA na ito ay lalagdaan na sa darating na Martes, ika- 19 na Hulyo. Sa kasunduang ito ay mabibigyan na ng sariling pagkakakilanlan ang mga Moro na nakatira sa mga lugar ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (Sulu, Maguindanao, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Basilan and Marawi City); mga munisipalidad ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sa Lanao del Norte; at daang- daang mga barangay sa mga probinsya ng Sultan Kudarat, Lanao del Norte at North Cotabato kasama na rin ang Palawan at Sulu. Kasama na rin sa kasunduang ito ang layuning maging matahimik na ang bansang Pilipinas at mawala na ng tuluyan ang mag gulong ito.
Tunay nga na noon pa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa ngayon ay nagging matibay na ang panindigan ng mga Moro ng isang malayang lipunan. Sa pagkakataong ito ay masasabi kong kahanga- kahanga sila!!! Sana nga’y kung nararapat mang bigyan sila ng sariling Republika ay makamit na nila ito.

- Aram-

3 (mga) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

..tama nga...naging magaling ang mga kababayan nating MORO na ipagtanggol ang kalayaan nila. Ito ay dahil sa kanilang pagtutulungan. Sana ay ganun din ang ating pamahalaan sa kasalukuyan....

hingyap ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
SupheriA Lee ayon kay ...

Hangang ang mga Pilipino ay hindi nagkakaisa sa kanilang identidad at paniniwala, at tumutuligsa sa pagkakaiba sa halip na maging bukas at mapang-unawa, mas nanaisin ng mga kapatid nating Muslim ang humiwalay sa mga Katolikong Pilipino. Hangang hindi tayo nagigising sa katotohanang ang bansa natin ay nahahati at ang kaguluhan ay dahil sa kawalan natin ng atensyon sa sakbibi ng mga Muslim para sa kanilang karapatan at pamumuhay, hindi mawawala ang karahasan sa ating bansa at mga armadong grupong mag-aalsa laban sa gobyernong patuloy nilang nakikitang sumisikil sa kanilang kalayaan.