CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Huwebes, Oktubre 9, 2008

“PAGBIBIGAY PARANGAL”





Ang aming grupo ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng taong tumulong sa amin upang magging matagumpay ang huling blog na ito sa History 1. Hayaan niyong pasalamatan namin ng taos puso ang mga sumusunod:

Ang panginoong Diyos dahil sa Kanyang gabay sa aming paglalakbay lalo na nang umakayat kami sa Hill 522.
Ang walang sawang pagsuporta ng aming mga magulang, na kahit alam nilang wala kaming kasamang nakatatanda ay pinayagan pa rin kami at binigyan ng baon.
Si Ms. Baby Ramos dahil sa walang pag- aalinlangan niyang pagpahiram sa amin ng kanyang “digital camera”.
Ang mga tao sa Palo na naging mabait sa amin at tumulong na matapos namin ang gawaing ito lalo na ang mga “firemen” na on duty noon, ang “library staff”, ang dalawang tindahan sa paanan ng burol na nagbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa burol, si “Kuya Henyo” na nagkwento sa amin, ang mga taong naninirahan sa burol, ang tatlong mga bata na nagturo sa amin ng daan papuntang Japanese Shrine at higit sa lahat ang Pamilya Espelita sa malugod ilang pagtanggap sa amin.
At sa iba pang maaaring nakaligtaan naming pasalamatan, maraming salamat!
Sa inyong lahat maraming, maraming salamat!
Ang mga huling artikulo dito sa “account” namin na patungkol sa mga makasaysayang bagay at lugar sa Palo ay iniaalay namin sa inyo.

- ħįŋģ¥αþ-

“Ang Makasaysayang lugar ng Palo,Leyte”






Sa mga taga-Leyte maaring pangkaraniwan lamang ang munisipalidad na ito pero ang hindi nila alam meron palang malaking ginampanan ang lugar na ito na maaring maging susi para malaman natin ang kasaysayan ng buong Probinsya ng Leyte at maging ang buong bansa. Sa isang tingin pa lamang ay atin nang masasabi na ang lugar ng Palo ay may malaking papel sa kasaysayan ng bansa lalo na sa panahon ng mga mananakop. Makikita natin na ang sistema ng reduccion sa kanilang plaza na napapalibutan ng simbahan, munisipyo, klinik, paaralan at maging ng library. Mga Naunang Tao Ayon sa aming pananaliksik, sampung tao ang naunang manirahan sa nasabing lugar. Sila ay sina: Panganuron, Kadaunpog, Manlangit, Kamago, Kawaring, Kabalhin, Kumagang, Maglain, Bilyo at Dilyo. Sa mga naunang taon ay nagkaroon sila ng maayos at mapayapang pamumuhay. Tumagal ang panahon at dumami ang nanirahan sa lugar hanggang sa nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga tribu. Ang ilan ay lumipat sa Payapay, ang ilan sa Kanpitek (Campetic sa kasalukuyan), at karamihan sa Kutay. Ang pinagmulan ng pangalang “Palo” Palo ang naging tawag dahil sa karamihan sa mga taong naninirahan sa dito ay nagmamay-ari ng mga “palo”. Ayon kay Justice Norberto Romualdez sa isang isyu ng Noli Me Tangere, isang diyaryo ng Tacloban, noong Hunyo 9,1909, na ang pagkakaroon ng maraming karpintero na nagmamay-ari ng martilyo o mazo na tinatawag na “palo” ang dahilan ng pagkakapangalan dito ng Palo. Ayon naman sa mga pamahiin, noong panahon bago paman dumating ang mga Espanyol ay madalas dalawin ng bagyo ang lugar kada ika-walong araw ng buwan. Walo-walo ang tawag nila sa pangyayaring ito. Walo, kaya tinawag na Palo. Ang mga nainirahan sa Kutay ay nagsialisan papuntang Bangon at nagsimulang magtayo ng isang baryo ( Barangay de Palo) noong 1521. 1758 nang tinawag itong Pueblo de Palo. Si Kapitan Balasabas and naging unang gobernadorcillo sa lugar na ito habang si Padre Andres Carpintero ang naging unang kurate. Mga Naungang “Religious Missions” 1565 - nang ang dumating ang mga Augustinians 1696, Octubkre - dumating ang mga Jesuit na sina Padre Francisco de Encinas at Cristobal Jimenez. Una nilang nahanap ang dalawang bahay na tirahan ng mga naninilbihan sa mga encomenderos. Ilang kabataang lalaki ang buong galang na tumulong sa kanila at nagturo ng salitang waray-waray sa dalawang pari. Nagbukas sila ng isang paaralan. Dahil sa nailipat si Padre Encinas sa Carigara, Leyte ay nagpatuloy ng mag-isa si Padre Jimenez. Nang sinimulan niya ang kanyang misyon ay maraming tao ang nagwalang-bahala at natakot sa kanya. Nang tinulungan niyang magpagaling ng mga taong may sakit ay doon nagsimulang magkaroon nagtiwala ang mga tao sa kanya. Nakipagtulungan rin siya sa ilang datu ng Palo, katulad ni Kanganga ng Malirong, ang pinakamakapangyarihang datu sa panahong iyon. Nang magsimula ang binyag sa lugar na ito noong Disyembre 8,1598 ( Feast of Immaculate Conception) na pinamunuan ni Padre Francisco Alonso de Humanes, kung saan si Rodrigues de Ledesma ang “god father”, bininyagan si Kanganga bilang si Don Juan Kanganga.

Mga Naging Pinuno ng Palo

1. Kanganga (1598)
2. Balasabas ( 1768)
3. Lanereano
4. Julian
5. Clemente
6. ಲುಇಸ್
7. Esteban
8. Domingo
9. Crisanto
10. Cayetano
11. Vicente L. de Veyra
12. Monsalvo13. Simon
14. Cesario
15. Antonio
16. Jorge
17. Moroquez
18. Javier
19. Cerino
20. Apolinar
21. Vicente ಮೊರಳಿದ
22. Casaringo ದುರಂಗೋ
23. Silvero Gonzaga ( 1839)
24. Dominguillo Cobacha ( 1841)
25. Wenceslao Estopa (!843)
26. Fernando Elona (1845)
27. Marduquio Campo(1847)
28. Boquinto Sevilla (1849)
29. Ignacio mari(1851)
30. Basilio Villas (1855)
31. Angel Acedillo (1857)
32. Paulino Montejo (1859)
33. Estanislao Calces (1861)
34. Apolonio Alves (1863)
35. Ambrocio Palencia (1865)
36. Florentino Palacio (1873)
37. Facundo Deñero (1873)
38. Inocentes Alves (1875)
39. Francisco Diamante Asis (1879)
40. Alejandro Flores (1883)
41. Manuel Mora (1885)
42. Cipriano Noble y Fulminar (1885)
43. Anastacio Acebedo (1887)
44. Segundo Villas (1889)
45. Felix Cobacha (1889)
46. Alejandro Flores (1891)
47. Emigdio Acebedo (1895)
48. Vicente P. Alvarade (1899)
49. Deogracias Palencia (1899)
50. Emigdio Acebedo (1900)
51. Cayetano Fumar (1902)
52. Carlos Acebedo (1904)
53. Pedro Kierulf (1905)
54. Cipriano Noble y Fulminar (1907)
55. Carlos Acebedo (1908)
56. Federico Avincula (1909)
57. Vincente M. Palacio (1909)
58. Agustin Estopa (1909)
59. Pedro Pacheco (1910)
60. Vicente F. Alvarado (1910)
61. Jose B. Sevilla (1911)
62. Pedro Kierulf (1912) 63. Pedro Pacheco (1912) (2)
64. Ricardo Mendiola (1925)
65. Vicente Petilla (1938)
66. Simeon Militante (1941)
67. S. Generoso Alvarade(1942 - 51)(3)
68. Manuel F. Acebedo (1952-55)(55)
69. Severo Peñero (1956-57)
70. Elpido Monge (1957-59)
71. Mifuel V. Roca (1960-63)
72. Elpidio Monge (1964-67)
73. Antonio Ogayan (1968)
Mga Distrito At Barrio ng Palo


a. Noon ay Luntad at Sampaw


b. Ngayon ang Sumpaw ay kilala sa tawag na Cavite East, West, Buri, Arado at Sta. Cruz c. 18 Barrios:


1. San Joaquin (1900)
2. Sta. Fe (Dec.22,1949)
3. Pawing (1877)
4. Guindapunan (1877)
5. Malirong (1879)
6. San Augustin (1889)
7. Kugon o Cogon(1890
8. Tibak (1900)
9. Castilla (1902)
10. Kabarasan Dako (1904)
11. San Juan (1905)
12. Castilla Manor (1906)
13. San Antonio (1906)
14. Gakaw (1906)
15. Anahawag (1913)
16. San Isidro (1923)
17. Baras at Kandahug (1932)
18. Sam Miguel (1936)

• Ayon sa kasaysayan, ang Palo ay makalawang naging kapital ng Leyte. Ang una ay noong 1೭
35; ang pangalawa ay noong Agosto 21, 1901 nang pamunuan ni Heneral Lukban ang Leyte. • Sa Palo rin naganap ang unang “Transfiguration of the Lord” ng 1963 (kilala rin sa tawag na First Patroral Fiesta) • Nagkaroon ng 25,529 na populasyon noong 1960 Maari ring masabi natin na sa lugar na ito nagsimula ang mga tao sa leyte, maari ring sa Bisayas at kahit na siguro sa buong bansa. Masasabi nating malaki ang naging papel nang Palo sa Kasaysayan ng buong bansa kaya marapat lamang na ipagmalaki ang lugar na ito.

--baysay-- --tigaman(poster)—

“HILL 522: ISANG MAKASAYSAYANG NAKARAAN”


Ang Guinhangdan Hill o mas kilala sa tawag na Hill 522 ay isa sa mga makasaysayang lugar sa Leyte. Ito ay naging pook digmaan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Dito nanatili ang mga Hapones dahil ito ang pinakamalapit na lugar kung saan lumapag ang hukbo ni Hen. Douglas Mcarthur noong Oktubre 20, 1994. Ang labanan ng mga Amerikano at Hapones ay tumagal ng dalawang araw na nag-dulot sa pagkamatay ng 50 sundalong Hapones at 3 sundalong Amerikano. Ang Hill 522 ay naging daanan patungo sa Palo matapos ang matindi at marahas na paglalabanan ng mga Hapones at Amerikano. Hanggang ngayon makikita pa rin ang mga butas na nagsilbing lagusan para sa mga Hapones para mapadali ang kanilang pagtatago at pagsalakay. Ang mga butas ay pinagawa ng mga Hapones sa mga bilanggong Pilipino. Sapilitan silang pinagtratrabaho upang mas maging madami pa ang lagusan. Sa mga butas na ito ay may nakalagay ring mga kayamanan ng mga Hapones at naglalaman ng mga bomba kung kaya't ipinagbabawal ng gobyerno ang pag-giba o pagsubok sa pag-pasok sa mga lagusang ito. Sa tuktok ng bundok ay matatagpuang isang napakalaking sementadong krus na nagsisilbing "shrine" tuwing Semana Santa lalong-lalo na tuwing Biyernes Santo. Hanggang ngayon, nanatili pa ring palaisipan kung ano ba talaga ang nasa loob ng mga butas na nagsilbing lagusan sa HILL 522.

-hiYum*oAngimak-

“MGA MISTERYONG BUMABALOT SA HILL 522”






Hindi natin maikakaila na tunay ngang makasaysayan ang Hill 522 dahil ito ang nagsilbing kuta ng mga Hapones na sa kinalauna’y nagging unang daanan ng mga Amerikano upang muling maangkin ang Leyte at Pilipinas sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ngunit bukod sa pagiging makasaysayan ay mayroon pa palang mga kwento at alamat na kokonti lamang ang nakakaalam na bumabalot sa mahiwagang burol na ito. Sa aming pakikipagpanayam sa mga taong naninirahan sa paligid ng burol, lalung-lalo na ang mga matatanda, ay namangha kami sa mga di-pangkaraniwang kwentong aming nalaman. Isa sa mga ito ay ang kwento ukol sa nakabaong kayamanan. Ayon sa kanila, mayroon daw kayamanang ibinaon ng mga Hapones nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nakatago sa kailaliman ng napakadilim at mapanganib na burol na wala pang kahit na sino ang nagtagumpay na magisnan man lang ito. Ito’y sa kadahilanan na marami pang mapanganib na kasangkapang naiwan sa digmaan katulad ng mga bomba. Ayon pa nga sa kanila ay ilang buwan ang nakalipas ng mayroong grupo ng mga Amerikano ang sumubok na tuklasin ang kailaliman ng burol ngunit kahit kumpleto sila ng kasangkapa,y hindi nila ito mahagilap dahil nga sa ito’y mapanganib. Mayroon ring kwento tungkol sa napakalaking ahas na gumagala sa burol. Kasin laki pa nga raw ito ng malaking punungkahoy. Sinasabi na matagal na itong gumagala kaya lubhang mapanganib ang pag-akyat dito. Swerte na lang daw kami at hindi namin ito nakita. Kung iyong aakyatin ang burol ay makakakita kayo ng maraming butas. Ang mga butas na ito’y nagsilbing daanan ng mga Hapon o ‘tunnel’ upang maging alerto at handa kung may sasalakay na kalaban. Mayroon ding daanan na butas sa itaas ng burol na kung saan ay pwede kang lumabas sa may ilog. Sa kasalukuyang panahon, kung bibisita kayo sa lugar na iyon, mapapansin niyo na malakas ang pagbuga ng ilog kung mainit ang panahon at maaliwalas naman ang agos kung hindi masyadong nagpapakita ang araw. Ito’y sa kadahilanan na dahil daw sa matinding init mula sa itaas ng burol ay lumalabas ang init nito sa butas na nasa ilog na siyang dahilan ng pagbuga. Sadyang napakarami ang iyong mahahagilap na kwento ukol sa mga pangyayari at alamat ng Hill 522 kaya kung bibisita kayo’y ‘wag niyong kalimutang makipagkwentuhan sa mga taong naninirahan doon at kung kayo’y aakyat ay huwag niyo munang kakalimutang magdasal para sa inyong kaligtasan.: )


-hinumduman-

“Mga Nakatagong Kayamanan”






Bago pa kami umakyat ng “Hill 522” ay nakapagtanong na kami sa ilang mga tao na aming nadaanan kung mayroon bang lugar sa Palo na pwede naming makakitaan ng mga ebidensya o mga bagay- bagay na may kinalaman sa panahon ng mga Amerikano at Hapon. Sa kabutihang palad ay may naituro silang isang tao na maaring makasagot sa mga aming mga tanong.
Pagkatapos namin sa “Japanese Shrine” ay dali- dali na naming pinuntahan ang taong itinuro sa amin. Siya ay si Ginoong Donald Espelita, isang retired army. Ang lolo niya daw ay nakasama pa sa WWII kaya’t may mga naitago pa siyang mga kagamitan noon.
Malugod kaming pinapasok ng kanyang maybahay at pinaupo. Ilang saglit lang ay nakausap na namin ang taong tinutukoy ng mga taga roon. Sabi ni G. Espelita dalawa silang mga Espelita na pwedeng makapagkwento at makapagpakita ng aming mga hinanap. Sa pagbungad palang ng kanilang hagdan ay nakita na namin ang mga kagamitan ng mga sundalo- mga lumang helmet ng sundalong Amerikano at Hapon, lalagyan ng tubig, lampara, “bell”, at maraming pang iba. Nakita din naming ang isang “plate number” na nakapaskin sa dingding na nagpapatunay daw na ang Palo (Palo Alto) ay naging “Sister City” ng Los Angeles, California. Sa ikalawang palapag na ng kanilang bahay ay mayroong isang aparador na naglalaman ng mga kagamitang kaniya pang naitago upang maibahagi sa darating pang mga henerasyon. Ilan sa mga kagamitang naipakita niya ay ang bandila ng Amerika na dala ni General Douglas MacArthur ng natupad niya ang kaniyang pangako sa Pilipinas at dumaong siya noong ika- 20 ng Oktubre 1994. May naipakita din siyang “Kamizakee Belt” na sinasabing isang bagay daw na masyadong pinapahalagahan ng isang Samurai dahil mayroong isang libong burda na parang malalaking tuldok na bawat isa nun ay gawa ng isang birheng Haponesa. Mayroon ding mga “signal flags” at dalawang “bentusa”. May ipinakita din siyang isang “barometer” na noon pa yatang panahon ng mga Espanyol ginamit dahil sa mga Espanyol na panulat nito at hanggang ngayon ay gumagana pa rin kaya’t alam ng pamilyang ito kung may paparating na bagyo. Meron din siyang naitagong “autograph book” ng kanyang lolo na may pirma pa ni Gen. MacArthur at ng kanyang asawa.
Ilan lamang ito sa mga nakita namin. Sa ilang oras naming pakikipag-usap kay G. Espelita masyado kaming namangha at natuwa sa kasaysayan natin. Sa paraang iyon ay mas lalo naming hinangaan ang kasaysayan ng bansa. Ngunit may mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Paano kung lahat ng iyon ay peke??? Sana nama’y hindi. At sana dumating din ang panahon na ang mga taong kagaya ni G. Espelita ay maparangalan at mabigyan ng puwang sa libro ng ating bansa dahil sa kanilang pagsisikap na maibahagi pa ang yaman ng ating kasaysayan sa susunod pang mga henerasyon.

♥♥♥αŕǻm♥♥♥

Lunes, Setyembre 15, 2008

PAGBABAGO TUNGO SA PAG-UNLAD

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakahanay sa mga bansang mahirap. Nararanasan naman natin itong lahat na mga Plipino. Halos walang pakundangan ang pagtaas ng mga bilihin. HYindi naman makakaila na isa ang Pilipinas sa mga nabigyan ng biyaya sa pagiging “mayaman” sa ating mga likas na kayamanan. Marami tayong mga magagandang tanawin at mga likas na kayamanan na tanging sito lang sa atin makikita. Oo, mayaman nga tayo sa mga mineral at likas na kayamanan ngunit patuloy pa ring dumadami ang mga nagugutom, walang trabaho at iba pang mga problemang pang-ekonomiya. Bakit pa tayonakakaranas nang kahirapan na kung tutuusin likas na mayaman tayong mga Pilipino. Dahil ba ito sa ating mga tiwaling opisyal ng gobyerno o baka sa kamangmangan nating mga Pilipino?!

Kahit anong sabihin natin talagang may sala ang parehong partido. Ang mga opisyal natin sa gobyerno na ating “tinitingala” ay may kinalaman kung bakit tayo nagkakaganito. Ang mga opisyanl natin ang may kapangyarihan sa pamamalakad at pangangasiwa sa bansa. Sila rin ang may sala kung bakit hindi naipapatupad ng maayos ang mga proyekto dahil nga sa ibinubulsa nalang nila ang pera ng bayan . Pera na dapat ay maibabalik sa mga mamamayan para sa ating ikabubuti. Ngunit, kahit ano pa rin ang gawin natin may kinalaman pa rin tayo kung bakit ganito ang nangyayari sa atin ngayon. Tayo pa ring mga Pilipino ang humahalal sa mga sinasabi nating mga “opisyal”. Dahil sa ating kamangmangan at pagkasilaw sa pera, tayong mga Plipino ay nagbulag-bulagan at pinabayaan na lamang ang mga palpak at di kanais-nais na pamamalakad ng gobyerno. Tayo na rin mismo ang may sala kung bakit tayo nakakaranas ng ganitong kapait na pamumuhay.

Kung kami lang ang papipiliin gusto naming maipanukala ang mahigpit na pagpapatupad ng lahat ng batas para sa ikauunlad ng bansa at ang edukasyon para sa lahat na siyang magiging susi sa pagputol ng kamangmangan nating mga Pilipino. Ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas ay sadyang nakabubuti para sa ating mga Pilipino. Katulad na lamang ng bansang Singapore. Dahil sa pagiging strikto nila sa pagpapatupad ng mga batas ay isa sa mga naging dahilan ng kanilang bansa para sa umunlad. Ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas ay mabuti siguro para maging disiplinado ang mga Pilipino. Sunod ay ang edukasyon para sa lahat. Hindi naman natin maikakaila na dahil sa kahirapan ay maraming Plipino pa rin ang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan.Paano naman ang magiging kabukasan ng Pilipinas kung patuloy na dumarami ang hindi nakakapag-aral? Paano na ang ating bansa?! Ang sabi pa nga n gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, “ Ang kinabukasan ng Inang bayan ay nakasalalay sa kabataan”. Paano ang kinabukasan ng Pilipinas king hindi makkapag-aral ang kabataan? Hindi sapat na rason na dahil sa walang pera ay hindi makakapag-aral. Malaking pagkakamali kung hindi tayo makakapag-aaral.

Nasa sa atin na lamang ito kung gusto nating mapabago pa ang sitwasyon ng Pilipinas ngayon. Hindi pa huli ang lahat. May oras parati para sa pagbabago. Pagbabago tungo sa pag-unlad nating mga Pilipino. Kung sabay-sabay tayong nadapa, sabay-sabay rin tayong babangon.




_oAgnimak_

Linggo, Setyembre 14, 2008

“BUHAY KATUMBAS NG KALAYAAN”



“Ipahandug-handog ang busong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay na langit!”

* Pag-ibig sa Tinubuang Lupa*
-andres bonifacio-

Ilang taon na ang nakalipas nang maganap ang isa sa pinakakasukdulang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nabuhay ang mga katutubo sa gitna ng gulo at naramdaman nila ang kapighatian habang naging tanging saksi sila sa madugong rebolusyon laban sa mga dayuhang mananakop. Dahil sa kadahupan ng buhay noon, namuhay ang mga Pilipino sa kahirapan at may takot sa kanilang kalooban. Takot na siyang kumuha ng kanilang kalayaan para mamuhay ng mapayapa at maayos sa kanilang lupang tinubuan. Ngunit lahat ng paghihikahos at pangamba ay nabahiran ng pag-asa ng may isang taong tumayo para ipaglaban ang karapatang pilit na ikinukubli sa kanila. Dahil sa isang taong ito, napawi ang mga pagdadalawang-isip ng mga katutubo na sumuko na sa labang kanilang naumpishan.

Sa panahon ng pananakop, hindi naging madali para sa mga Pilipinong Rebolusyunista na lumaban at ipagtanggol ang sarili laban sa mga mapaniil na mga mang-aapi. Dinanas nila ang hindi matawarang pagpapasakit at di-makatarungang pagmamalupit sa kanila. Napasailalim ang Pilipinas sa kagustuhan ng mga mananakop pero pilit silang lumaban. Namayani sa buong bansa ang walang tigil na labanan at rebolusyon. Pero hindi dito nagtatapos, mula sa lupon ng mga rebolusyunista ang isang matapang na katipunero ito na nga ang dakilang sa Andres Bonifacio.

Siya ay isinilang noong 1863 sa Tundo, Maynila. Sa kabila ng kahirapan ng kanilang pamilya ay nag-aral siya sa paaralan ngunit maagang nahinto. Bagamat hindi siya nakapagtapos, ay marunong siyang sumulat at bumasa at dalubhasa rin siya sa pagsasalita sa Wikang Kastila. Naulila siya nang maaga sa magulang noong 14 na taong gulang siya. Naging tindero siya ng rattan at pamaypay, nagtrabaho siya bilang clerk, sales agent at warehouseman para matustustusan ang kanilang gastusin sa kanilang pamilya. Siya ang tumayong magulang at haligi ng kanilang pamilya dahi siya ang panganay at ginampanan naman niya ito ng walang pag-aalinlangan. Mahilig siyang humiram ng mga libro at magbasa kasi para sa kanya para rin siyang nag-aaral. Lumaki siya ng mulat sa mga pangayayaring nagaganap sa bansa at nagkaroon ng pagnanais sa kanyang puso na ipagtanggol ang bansa at makamtan ang kalayaan na kanilang hinahangad.

Dahil dito sumapi siya sa La Liga Filipina na itinatag ni Jose Rizal. Ngunit ng mabuwag ang samahang ito, ay napag-isipan niyang bumuo ng panibagong lupon ng mga mamamayang siyang magiging boses at maghimagsik upang makamtan na ang kanilang inaasam-asam na kalayaan at ito'y tinawag nilang KKK (Kataastasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Siya ang naging puno ng samahang ito at binansagan siyang “Supremo” o “Ama ng Rebolusyon”. Upang mapanatili ang kaligtasan ng samahan ay ipinanatili nila itong sekreto subalit dahil na rin sa pagkasilaw ng isang Pilipino sa karangyaan ay isiniwalat niya ang lihim ng samahan at inilagay ang katipunan at ang buong bayan sa tiyak na kapahamakan. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi nila inaasahang magkaroon ng rebolusyon. Nagpulong-pulong sa Balintawak at kalaunay tumungo sa Pugad Lawin at doo'y naghimagsik. Dito nagsimula ang rebolusyon ng 1896 na naging kauna-unahang rebolusyon sa Asya laban sa mga Europeo. Hindi natin maikakaila na marami siyang nagawa para sa ating bansa. Ngunit namatay siya ng trinaydor sa kamay ng kanyang mga kalahi na siyang kaniyang pinagtatanggol. Masasabi ba nating makatarungan ang kanyang pagkamatay????!!!!

Ibinuwis niya ang kaniyang buhay para sa Pilipino pero ang kapwa niya Pilipino ang siyang kumitil sa kaniyang buhay. Kahit hindi makatarungan ang kaniyang pagkamatay ay nagdulot ito ng pagkamulat ng mga Pilipino na lumaban kahit ang sarili na nilang buhay ang nakataya. Sumibol ang kanilang pagiging nasyonalismo at naisip nila na kailangan na nilang kumilos nang hindi pa mahuli ang lahat.

Para sa amin, kahit namatay siya ay kahit papano ay naipakita niya ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang Bayang Sinilangan. Pagmamahal na walang makakatumbas kahit na ang kaniyang buhay. Hindi namin siya malilimutan sa isip at sa diwa dahil siya ay nagsilbing tatak ng pag-asa at kabayanihan na walang pag-aalinlangan at walang hinihinging kapalit sa kaniyang kagitingan.

-ΣΣΣ ἯὶйկṂḍҵṁḁṅ ΣΣΣ

ﭗﺾtigamanﭗﺾ

Rebolusyon : tungo sa tagumpay o sa kabiguan?



Hunyo ng taong 1896 nang inutusan ni Andres Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela na bisitahin si Jose Rizal sa Dapitan at hingin ang kanyang opinyon ukol sa rebolusyon na maaaring maganap dahil sa kawalan ng pag-asa at pagkabigo ng mga reporma(ito ay naganap nang madakip si Rizal at maitapon sa Dapitan). Sinbi sa kanya ni Rizal na hindi marapat na magsagawa ng isang rebolusyon kapag mayroong kakulangan sa armas sa kadahilanang ang mga Espanyol ay kumpleto sa armas at ang pakikpaglaban sa kanila ay mangangahulugan lamang ng kabiguan.

Nasabi ito ni Rizal dahil naalala niya ang rebolusyon sa Cuba na nabigo dahil sa kakulangan sa armas. Natatakot siyang matalo ang mga Pilipino at tuluyan nang mawalan ng pag-asa sa pagtamo ng kalayaan sa bansa. Sa halip ay sinabi niya na ang pagtutulungan ng mga Pilipino, maging mahirap man o mayaman, ang susi sa tagumpay.

Nagkaroon ng kabiguan sa mga reporma dahil sa kahit na may mga Espanyol na opisyal na namulat sa mga tunay na pangyayari sa Pilipinas dahil sa mga panulat sa Sol ay tinatapatan ito ng mga panulat ng mga prayle sa kanilang sariling diyaryo. Isa pang dahilan ang katotohanan na ang mga grupong naitatag para gumawa ng mga reporma ay nabigo dahil sa kakulangan sa pondo para maisagawa ang kanilang mga plano. Isa pa ay nagkaroon ng selos at pagkainggit ang ilang mga miyembro kaya nagkahiwa-hiwalay at nabuwag ang mga asosasyon.

Ang mga dahilang ito parin ang naging dahilan sa pakabigo ng mga rebolusyon. Ngunit kahit na nabigo ang mga ito ay naging daan naman ito sa pagkamulat ng maramig Pilipino na lumaban, gumawa ng paraan at hindi matakot. Matatapang ang mga Pilipino noon para labanan ang mga mararahas na mga Espanyol at itaya ang kanilang sariling buhay para sa sariling bayan. Ngayon, hindi na mga dayuhan ang nang-aapi at nanloloko kundi an gating mga kapwa Pilipino. Kung may nagawa sila noon ay may magagawa rin tayo ngayon.

Kung ako si Rizal ay parehong sago tang aking ibibigay kay Pio Valenzuela. Magsimula ng isang rebolusyon kung ang lahat ay handa na, hindi para matalo kundi para magtagumpay. At kahit na mabigo paman, hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy parin na naghanap ng daan para matamo ang kanilang mithiin – ang matamo ang kalayaan.


- BAYSAY-

Linggo, Agosto 17, 2008

Reproductive health bill 2008- -Ano nga ba ang pakinabang?? Tama ba ang nilalaman?? -


Ang pagsasabatas ng wastong kaalaman sa kalusugan at ng pagpaplano ng pamilya ay matagal nang kinokontra ng Simbahang Katoliko. Pero kahit hindi sang-ayon ang simbahan ay sinasabi ng “Committee on appropriations chairman Rep. “Edcel C. Lagman (1st district, Albay) na isinusulong ng kanyang komiti at ng komiti para sa kalusugan, populasyon at pampamilyang relasyon(committee on health, population and family relations) at sinusuportahan ng animnapu’t pitong konggresista.

Nakapaloob sa isinusulong na batas na ito na dapat magkaroon ang mga taong nasa tamang edad ng tamang edukasyon ukol sa pagplano ng pamilya o “reproductive health”; kasama na rito ang tamang paggamit ng mga tinatawag na “contraceptives” na binibili ng mga ospital; ang gobyerno ay dapat magtanggap sa trabaho ng mga magpapanaganak na ang bilang ay isa sa bawat isang daan at limampung nanganganak sa isang taon; dapat ring malaman kung ilan ang mga namamatay sa panganganak.

Ang simbahang katoliko ay hindi sang-ayon sa batas na ito sapagkat para sa kanila ay isa lang itong paraang upang gawing legal ang sinasabing pagpapalaglag ng mga sanggol. Pero kahit ganito raw ay sinasabi naman ng mga nagsulat ng batas na ito ay hindi naman pinapayagan ang pagpapalaglag.

Para sa amin tama naman ang mga sinasabi sa isinusulong na batas na ito sapagkat ang natural na paraan ay hindi sapat upang pigilan ang dami ng taong nabubuntis. Hindi lahat ng babae ay pare pareho kaya maliban sa tinatawag na “abstinence” ang ibang paraan na natural tulad ng pagbibiliang sa kalendaryo kung kalian sinasabing hindi “fertile” ang isang babae ay maaring hindi maging epektibo sapagkat mahirap ito matantiya. Hindi naman pwedeng ipilit sa mga tao ang “abstinence” sapagkat hindi natin nababantayan ang bawat kilos nila. Ang maari na lamang gawin ay ang pagpagamit sa kanila ng mga kiontraseptibo upang mabawasan ang mga pagkakataon na may mabuntis.

Ligtas rin naman ang paggamit ng mga “contraceptives” ayon sa mga doctor. Ang mga kontraseptibong ito ay ang mga tinatawag na “pills”, “condom”, “IUD” at iba pa. ligtas raw ang paggamit ng mga ito tulad ng “pills” sapagkat maliban sa pagpigil sa pagigilng “fertile” ay marami pang ibang benepisyo ang makukuha ng babae tulad ng pagganda ng kutis. Pero kahit na hindi masamang gamitin ang mga ito ay dapat muna kumonsulta sa mga doctor nila ang mga babae upang malaman kung hiyang ang kanilang katawan sa ganitong mga gamot.

Praktikal lamang ang paggamit ng mga bagay na ito na nakasaad sa batas. Malaki ang maitutulong ng wastong pagpaplanong ito lalo na sa mga pamilya kung saan ang mga magulang ay konti lamang ang mga suweldo. Kung konti lamang ang kanilang mga anak ay mas mabibigyan nila ito ng magandang kinabukasan at mas masaganang pamumuhay. Kung marami nanam ang anak at konti lamang ang kinikita bawat buwan ay mas lalo silang maghihirap at mahihirapan silang maghanap ng makakain. Hindi tulad na kung kokonti lang ang anak ay mas malaki ang pagkakataong mapag-aral pa sila sa magagandang paaralan at maging maunlad na mamamayan ng ating bansa at malaki ang kanyang maitutulong bilang isang importanteng bahagi ng lipunan sa kinabukasan.

Maliban sa mga magagandang maidudulot nito sa mga pamilya, malaki rin ang maitutulong nito sa populasyon ng bansa. Kung liliit ang dami ng mga babaeng nanganganak ay mas liliit rin ang populasyon at hindi na tayo masisikipan sa ating bansa. Hindi na masyadong magkukulang sa mga likas na yaman sapagkat magkakaroon na ng mas malaking sukat ng lupa na mapagtataniman. Dahil dito baka mas gumanda ang ating ekonomiya.

Kahit na mabuti ang hangad ng simbahan sa kanilang pagtutol sa batas na ito ay may mga bagay rin naman na dapat nating isaalang-alang. Dapat tayong maging praktikal at isipin ang kalagayan ng bawat pamilya at ng ating bansa ngayon. Kung aasa lamang tayo sa mga natural na pamamaraan ay hindi tayo makakasiguro sa ating kalagayan. Hindi naman natin pwedeng pagsabihan ang lahat ng tao sa bawat sulok ng ating bansa at hindi natin silang lahat pwedeng pilitin o diktahan ang bawat kilos. Ang dapat na lamang gawin ay siguraduhin na ano man ang mangyari sa mga tao ay panatilihin silang ligtas.


-_HiYuM_-;)

Oo o Hindi?

Nagugulumihanan ako nang hapong iyon nang kami ay tanungin ng aming guro ng ganito, “Magagawa ba ninyong ipagpalit ang kinagisnan niyong buhay ngayon para maranasan ang klase ng buhay noong mga panahon ng mga kastila?”. Maraming bagay ang sumagi sa aking isipan.

Ang una kong sinagot ay “OO”. Kung mabibigyan man ako ng pagkakataong maranasan ang buhay noon, bakit hindi di’ba? Maaaring matuto pa ako ng mas maraming Espanyol na salita,hindi lang puro uno,dos,tres. Makapagsusuot pa ako ng mga magagarang kasuotan na hindi lang basta-basta katulad ng isang telang pinunit-punit para gawing “shorts”. Makakasakay rin ako sa mga de-kabayong kalesa na hindi nababahala sa maiitim na usok na ibinubuga ng mga dyip ngayon at ikinatatakot ng mga nagdadalaga at nagbibinata dahil sa tutubuan raw sila ng tagihawat dahil sa alikabok. Kung “time-machine” man ang gagamitin ay magdadala pa ako ng camera para manguha ng litrato kasama ang mga gwardiya sibil para maging “souvenir”.

Sa unang malas ay kataka-takang may taong nais pang bumalik sa nakaraan lalo na sa panahon ng mga Espanyol. Katakut-takot na mga kaganapan ang pumapasok sa aking isipan . Ngunit kung ang mga taga-unang panahon ang tatanungin, batid kong mas gugustuhin nilang manatili sa kanilang panahon at makipaglaban para sa kalayaan dahil kahit papaano, sila ay naging mga buhanging naging sangkap sa pagbuo ng bayan at hindi naging puwing na nakapinsala sa tanan. Ang mga puwing na ito ay ang mga taong hindi na nga nakatutulong sa bayan ay nagagawa pang magsamantala sa kanilang katungkulan; mga Pilipinong nakikipagsabwatan sa mga dayuhan para sa ikapaririwara ng sambayanan; at mga Pilipinong may isipang-alipin tungkol sa sariling kalinangan, sa sariling wika, sa pagka-Pilipino.

Ngunit napakahirap ng buhay noong unang panahon. Kailangan pa nilang makipaglaban para sa kalayaan, para sa kagustuhan nilang mabuhay. Takot ang nadarama ng bawat tao noon, na maaaring sa gitna ng gabi ay putulin ng dilim ang kanilang mga hininga, takot dahil sa ang ilang miyembro ng kanilang pamilya ay naroon at nakikibaka. Ang bayan ay uhaw sa kalayaan at sa isang pamahalaang may mabuting adhikain para sa bayan. Kung ang lahat ng ito lang ang aking makikita ay hindi ko na gugustuhin pang bumalik sa nakaraan. Ang kalayaang aking tinatamasa ngayon (kung matatawag ba itong tunay na kalayaan), ay sapat nang dahilan para ako ay manatili. Tingin ko ay masyadong mahina at matatakutin ang mga tao ngayon na hindi makakaya maski isang gabing pananatili kasama ang sinaunang Pilipino.

Hindi. Hindi ko nanaising bumalik pa sa panahong iyon.

- “Baysay”

Pagtutol Ng Pilipino: Isang Hamon sa mga Mananakop



Bago dumating ang mga mananakop na Kastila ay tahimik ang buhay ng mga Pilipino. Wala silang kinikilalang kaguluhan, pagmamalabis, kapalastangan o poot. Ngunit dahil wala rin silang kinikilalang bansa at hindi pa nila taglay ang nasyonalismo ay madali silang nasakop ng mga dayuhan. Tatlong daan at tatlumpung taon silang napa- sakamay ng malupit na pamamalakad ng mga Kastila. Ngunit sa mahabang panahon na ito ay hindi maikakaila na natuto silang lumaban at hamunin ang nga mananakop dahil alam nilang hindi dapat ang mga dayuhan ang mamumuno sa kanilang bansa ngunit sila mismong mga Pilipino.

Sa unang yugto pa lamang ng pananakop ay mayroon ng isang dakilang tao na nagpamalas ng kabayanihan upang iligtas ang bayan sa tiyak na kapahamakan. Ito’y si Lakandula ng Kamaynilaan at dito sesentro ang aking artikulo tungkol sa pagtanggi ng mga Pilipino na mapasakamy ng mapagsamantalang mananakop.

Si Rajah Lakandula ay isa sa tatlong Muslim na namuno sa Kamaynilaan bago dumating sina Martin de Goiti at Juan Salcedo. Nang dumating ang nasabing mananakop ay naging mabait siya sa mga ito at tinuring pa nga niyang mga kaibigan. Dahil sa katapatan niya sa mga Kastila ay Binigyan siya ng pribelihiyo na hindi magbayad ng buwis gayundin ang susunod niyang henerasyon. Ngunit ng lumaon ay hindi ito tumupad sa usapan kaya napilitan siyang lumaban. Sinalakay niya ang mga Kastila ngunit namagitan dito si Salcedo. Kaya mula noon ay hindi na talaga siya pinagbayad ng buwis.

Ngunit ang pagsalakay na iyon ay may mas malalin pang dahilan. Isang lihim na kapisanan ang itinatag noong 1587 at tinawag itong Katipunan at si Magat Salamat ang pinuno. Ang ilan sa mga kasapi nito ay sina Agustin de Legazpi, Juan Banal, Martin Panga, Pedro Balingit, Juan Basi at Felipe Salonga. Napakalawak ng sakop ng kapangyarihan ng Katipunan na umabot pa hanggang Kuyo at Borneo. Nakipagsabwatan din sila sa mga Kristyanong Hapon na sina Dionisio Fernandez at Juan Gayo na siyang magpapasok ng sandata buhat sa Hapon. Kung magtagumpay sila na magapi ang Kastila ay hihirangin si Agustin de Legazpi bilang bagon pinuno. Mahigit isang taon na pinagplanuhan ang pagbabangon ngunit ito’y isinumbing n g kapawa Pilipino na sina Amarlanggagi at Sumarabaw.. Paskatapos ay ipinautos ni Gobernador Heneral Santiago de Vera na ipadakip sina Salamat. Siya at ang iba(Agustin de Legazpi at ang dalawang Hapones ay ipinapatay at ang iba ay ipinatapon sa malayong pook.

Samakatuwid ay isa sa mga ipinakita ng mga Pilipino na tutol sila sa pagsakop ng mga dayuhan ay ang pag-aalsa. At sa bawat pahina ng kasaysayan ng Pilipinas, makikita natin na marami pa ang tutol at marami pa ang nag-alsa laban sa mga mananakop sa iba’t ibang lugar ng bansa.
ΣΣΣ ἯὶйկṂḍҵṁḁṅ ΣΣΣ

Laban ng mga Moro: Panahon ng mga Espanyol hanggang sa Kasalukuyan



Mula pa noong simula ng pananakop ng mga Espanyol ay kapit bisig na ang mga kababayan nating mga Muslim sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan. Ayaw na ayaw nilang masakop ng mga dayuhan at maalila. Tanging mga lupain ng mga Muslim sa katimugan at ibang mga kababayan natin na pumunta sa kabundukan at nagtago ang nakaiwas sa karahasang ipinamulat ng mga Espanyol sa mga Pilipino sa loob ng mahigit 300 taon. Ninais nilang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan at kultura. Hanggang sa nasakop na naman ang ating mga ninuno ng iba pang mga dayuhan ay nanatili pa rin ang mga Muslim sa kanilang matibay na paninindigan ng malayang lipunan.
Noong taong 2001 ay sumulat si Prof. Nor P. Misuari sa “Secretary General ng United Nations” na si Sec. Gen. Kofi Annan. Sa unang bahagi ay nakasaad doon na simula lamang noong ika- 4 ng Hulyo 1946 hanggang sa kasalukuyan napasailalim ang mga Bangsamoro sa Republika ng Pilipinas dahil sa pagkakataong ito ay ang mga namumuno ay kapwa nila Malay. Ngunit, sa kasamaang palad ay hindi daw naging pantay ang trato sa kanila ng mga bago nilang pinuno. Dahil sa nakita nilang di- pantay na pamumuno ay dito na nagsimula ang mga rebelyong isinagawa ng mga Moro. Marami silang mga karahasang nagawa maipadama lamang sa gobyerno ang masidhi nilang pangangailangan ng ibang pamumuno.
Sa kasalukuyan, umiinit na naman ang isyu patungkol sa paghahangad ng iba sa mga kababayan nating mga Muslim ng hiwalay na Republika sa Republika ng Piliipinas na tinatawag nilang BangsaMoro Republic. Pilit pa rin nilang isinususulong ang katuparan ng matagal na nilang hangad na hiwalay na republika.
Ang gobyerno ng Pilipinas at ang MILF ay gumawa ng “Memorandum of Agreement” para malutas na ang isyung ito. Ang MOA na ito ay lalagdaan na sa darating na Martes, ika- 19 na Hulyo. Sa kasunduang ito ay mabibigyan na ng sariling pagkakakilanlan ang mga Moro na nakatira sa mga lugar ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (Sulu, Maguindanao, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Basilan and Marawi City); mga munisipalidad ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sa Lanao del Norte; at daang- daang mga barangay sa mga probinsya ng Sultan Kudarat, Lanao del Norte at North Cotabato kasama na rin ang Palawan at Sulu. Kasama na rin sa kasunduang ito ang layuning maging matahimik na ang bansang Pilipinas at mawala na ng tuluyan ang mag gulong ito.
Tunay nga na noon pa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa ngayon ay nagging matibay na ang panindigan ng mga Moro ng isang malayang lipunan. Sa pagkakataong ito ay masasabi kong kahanga- kahanga sila!!! Sana nga’y kung nararapat mang bigyan sila ng sariling Republika ay makamit na nila ito.

- Aram-

† KATOLISISMO: PAGSIBOL NG MAKABAYANG NASYONALISMO †



“Ang pamahalaan ng Kastila sa Pilipinas ay nagdulot ng mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Mula sa sistema ng pamahalaan hanggang sa paraan ng pananampalataya, nadama ng bansa ang impluwensyang Kastila”

Iba-iba ang reaksiyon ng mga sinaunang Pilipino sa pagdating ng mga Espanyol. Dahil sa pagiging magiliw ng mga Pilipino sa mga panauhin at pagtitiwala sa kapwa ay ipinakita nila ang kanilang pakikipagkasundo sa mga Kastila. Napakaraming mga patakarang kolonyal ang kanilang isinagawa para mas mapadali ang kanilang pananakop sa ating bansa. Mula sa patakarang pangkabuhayan, pamahalaan, edukasyon, ekonomiya at ang relihiyon. Marami ang tinanggap ng mga Pilipino mula sa Espanyol isa na nga rito ang Katolisismo.

Ang nasyonalismong Pilipino ay nagmula sa mga maliliit na pamayanang tinatawag na balangay o barangay. Gayon din ang nasyonalismo ng mamamayang Bangsa Moro. Sa pagdating ng mga Kastila noong Ika-16 na siglo, ang kapuluang ito ay pinananahan ng pamayanang Malay,bawat isa ay pinamumunuan ng isang datu o raha na namamahala ng batas at kanilang mga gawain. Mapaghangad sila sa kalayaan at nakahandang magbuwis ng buhay upang ipaglaban ito kung kinakailangan.

Ang unang paglalayag ay pinamunuan nga ni Ferdinand Magellan. Isa siyang Portugese pero siya ay naglalayag para sa pangalan ng Espanya. Siya ay dumating sa gitnang bahagi ng Kabisayaan dala-dala ang isang krus na sumisimbolo ng pagbabahagi nila ng kanilang paniniwala sa mga katutubo. Siya ay kumuha ng mga ari-arian, sa pangalan ni Haring Carlos I ng Espanya sa Samar, Leyte at Cebu na pinagsama sa iisang pangalang "Isla ni San Lazaro." Masaya siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. At higit sa lahat nakumbinsi pa ni Magellan si Humabon na maging Kristiyano.

Nang ipakilala nila ang Katolisismo sa mga Pilipino, marami ang naakit na magpabinyag dito. Sinasabing malaki ang bahaging ginagampanan ng relihiyon sa pagsibol at pag-unlad ng nasyonalismong Pilipino noong Panahon ng Kastila. Naging isa itong matinding sandigan ng pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan kahit na meron paring tumutol dito. Ang Patakarang Pangrelihiyon siguro ang pinaka-epektibong paraan na kanilang ginamit para sa kolonisasyon. Maganda rin naman ang naging epekto nito dahil ayon sa Paniniwalang Katolisismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang nag-enganyo sa konbersyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribu. Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagtagumpay sng Kastila sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.

Magkaugnay ang Simbahan at Estado noong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang mga establishimentong pang-relihiyon. Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang pagbibinyag ng mga tribu sa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging dahilan upang mapasama ang iba't ibang pista sa tradisyong Pilipino.

Marami rin naming iba pang mga patakaran ang ginamit at inilunsad ng mga Kastila pero ang Relihiyon ang naging may pinakamahalagang kontribusyon sa bansa. Maliban sa relihiyon, nabuksan ang Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan na nagdulot ng pag-unlad ng komersyo sa bansa. Nagkaroon ng mga “middle classes”, napaunlad pa ang Transportasyon at Komunikasyon at umunlad ang ekonomiya ng bansa. Nagkaroon rin ng iba pang mga patakaran pero naging sanhi lamang ito ng katiwalian at pagiging makasarili. Ang mga Patakarang Pangkabuhayan tulad ng Polo y Servicios, Bandala, Kalakalang Galyon, Obras Pias at Real Compania de Filipinas. Meron din namang naitulong ang mga ito ngunit habang tumatagal ay naging masama rin ang kinalabasan nito. Ang mga Kastila na lamang ang nakikinabang sa lahat. Marami ding naging mga tiwaling Prayle at iba pang pagpapahirap na nagbunsod sa mga katutubo na mag-alsa.

Malaki ang naging pagbabago sa Kabihasnan ng mga Sinaunang Pilipino nang tanggapin nila ang Katolisismo. Sinasabing naging matagumpay ito dahil sa mga sumusunod: (1) ang misa ng pagibibinyag, na nagdulot ng paggamit natin ng banal na tubig (holy water) na magpasahanggang ngayon ay isinasagawa parin. (2) ang “reduccion” at “plaza complex”, na sinasabi na ang mga mamamayan ay kinakailangang magtayo ng bahay malapit sa simbahan na maririnig nila ang tunog ng kampana. Dahil dito ang simbahan at ang plaza ang naging sentro ng mga pangayayari ng mga katutubo mula sa kanilang pagkabuhayan hanggang sa kanilang pagkamatay. (3) Ang pag-aaral ng mga pari sa katutubong wika ng mga Pilipinong kanilang bibinyagan. (4) at ang pagkawala ng pagiging “animistic” ng mga Pilipino. Nagkaroon tayo ng mga Pista at iba pang mga tradisyon at lalo na ang kahalagahan n gating bibliya.

Ang Katolisismo ang nagbunsod sa atin na maging nasyonalismo kaya malaki ang ang naging kontribusyon ng mga Espanyol sa ating bansa. Ito ang naging tanda ng paggalang sa mga lolo at lola na tinatawag nila noong “compadrazgo”, na nagdidiwang ng pag-iisa ng dalawang pamilya sa kasal. Malaki ang naging epekto nito na hanggang ay nadala natin at namana natin sa ating mga ninuno. Ang pagpapatayo ng mga Simbahan at mga paaralan ay naging isa ring layunin ng mga Kastila. Kaya ang ilan mga paralaan at mga unibersidad ngayon ay mula pa sa panahon ng Kastila tulad nga ng “Unibersidad ng Santo Tomas”. Kahit may mga iba paring tumutol ay nagtagumpay parin ito. Hindi maikakaila ang matagumpay na paglaban ng mga Muslim sa mga Kastila.

Likas na sa atin ang pagiging maka-diyos dahil na nga sa ating paniniwalang minana sa ating mga ninuno. Marami na tayong pinagdaanan na sumubok sa ating pagiging nasyonalismo at pagmamahal sa bayan. Bago pa man dumating ang Panahong Kolonyal ay may sarili na tayong layunin at ito ay ang paghahangad ng kalayaan na nararapat sa atin at isang pamahalaan na kikilala sa ating karapatan at mamahala ayon sa kagustuhan ng mga mamamayan. Huwag sana nating sayangin ang mga buhay na naibuwis ng ating mga ninuno. Meron pang mga problema ang darating sa ating bansa at kasalukuyan ay ating dinadanas. Ngunit dumating man ang Panahon ng Kadahupan, tayo ay magsama-sama: iisang dugo, iisang paniniwala, iisang mithiin, iisang bandila, iisang bayan at higit sa lahat iisang Diyos.

ﭗﺾtigamanﭗﺾ

Martes, Hulyo 29, 2008

Bontoc : ang buhay sa kabundukan




Sa mga bulubundukin ng Pilipinas ay matatagpuan ang ibat-ibang pangkat-etniko na hanggang ngayon ay nananatili parin sa kabila ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya. Isa sa mga pangkat na ito ang mga Igorot na nahahati sa anim na pangkat : ang mga Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (or Apayao), Kalinga, at ang mga Kankana-ey. Sila ay matatagpuan sa mga kabundukan na Cordillera sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

Ang Bontoc ay galing sa salitang “bun” at “tuk” na nangangahulugang kabundukan. Sila ay nakilala noong unang panahon dahil sa kanilang nakagisnang gawain na pagmumugot ng ulo ng mga taong kanilang napatay. Nakilala rin sila sa kanilang kakaibang palamuti sa katawan na tinatawag na “tattoo”. Tatlong uri ng “tattoo” ang kanilang ginagamit: ang chak-lag', na inilalagay sa dibdib ng taong nakapugot ng ulo; ang pong'-o, na karaniwang inilalagay sa braso ng mga kababaihan; at ang fa'-tek, tawag sa iba pang klase ng “tattoo” sa katawan.

Tradisyunal para sa mga kalalakihan at kababaihan na walang pantaas na kasuotan. Ngunit, noong naunang panahon, ang mag kababaihan ay nasusuot ng maiikling blusa na sila mismo ang gumagawa. Wanes ang tawag sa kasuotan ng mga lalaki, ngunit para sa may mataas na katungkulan sa lipunan ay lagteb ang kanilang ginagamit, na nilalagayn ng mas mahusay na disenyo. Sa ulo naman ay inilalagay ang suklung o suklang.

Ang isinusuot ng mga kababaihan ay tinatawag na lufid na maikli at abot tuhod lamang. Khinawaan, na may puting kulay, ang ginagamit ng mga mayayaman at kinayan naman para sa mga mahihirap na ginagamitan ng pula at puting kulay. Karaniwan narin sa pangkat na ito ang paghahabi ng tela at ang kulay na asul ang kadalasang ginagamit. Ang mga disenyo ay ukol sa mga taong sumasayaw at nagtatanim, mga bituin, dahon at palay. Ngayon, ang mag Bontoc ay nagsusuot na ng mga makabagong damit katulad ng T-shirt at sapatos na magagamit sa pang-araw-araw.

Sa murang edad ay ipinadadala ang mga kabataang lalaki sa isang ato (tinatawag nating dormitoryo sa makabagong panahon) at sa isang ulog naman para sa kababaihan. Ang basket, na gawa sa rattan o kawayan ay isang mahalagang kagamitan sa pangangalakal at sa pananampalataya. Halimbawa nito ang pagitaken, na binubuo ng tatlong maliliit na basket na sinasabit sa mga puno. Sa isang ritwal nang pagpapasalamat, na tinatawag na pinikpikan, ang mga manok ay kanilang pinapatay, ginagawang alay sa kanilang mga anito at kanilang inilalagay sa mga basket na ito.

Mayroon ring kakaibang sining ang mga Bontoc. Halimbawa nito ay ang pag-uukit sa kahoy na ang disenyo ay ulo na kumakatawan sa mga kalabang kanilang napatay at inilalagay o sinasabit sa sanga ng ilang puno. Ang disenyo naman ng kanilang mga kagamitan ay katulad ng disenyo ng kanilang kasuotan.

Sa panitikan, ang wika ng mga Bontoc ay ginagamit lamang sa pakikipag-usap sa kanilang kapwa-tao at sa kanilang mga anito. Gumagawa sila ng mga tula, alamat, bugtong at mga awitin bilang isang paraan ng pakikipagtalastasan at pagpapahiwatig ng kanilang mga nararamdaman.

Sa larangan naman ng musika, sila ay gumagamit ng gangsa pattung, na binubuo ng limang gong. Maaari itong tugtugin sa ibat-ibang paraan na naaayon sa selebrasyon at uri ng sayaw. Mayroon silang ibat-ibang musika para sa ibang-ibang pang-araw-araw na gawain. Ang balangbang, isang salitang nanggaling sa tunog ng gangsa, ay isang sayaw na ginagawa ng mga matatanda pagkatapos makapag-uwi ng ulo ng isang kalaban sa isang madugong labanan.

Ang tradisyunal na pananatili ng mga kalalakihan at kababaihan sa mga dormitoryo at ang kanilang pagkain kasabay ng kanilang mga pamilya ay unti-unting nagbago nang lumaganap ang Kristiyanismo. Ngunit sa kabuuhan, masasabi nating ang lahat ng mga Bontoc ay mulat sa kanilang uri ng pamumuhay at walang pagnanais na mabago ang mga ito.


ΩΩΩ βǻŷƧâγ ΩΩΩ

Allan Pineda : Ang Buhay Sa Likod ng Entablado




Hindi natin makakaila na ang paghihirap o paghihikahos sa buhay ay hindi hadlang sa isang tao upang makamit ang pinaka-asam-asam na tagumpay. Ika nga mas masarap ang tagumpay kung ito'y galing sa pagod at hirap.
Isa sa mga taong tinutukoy ko ay si Allan Pineda Lindo o mas kilala ng buong mundo na si Apl. de Ap. Siya ay isa sa mga orihinal na kasapi ng sikat na banda sa mundo, ang Black Eye Peas. Sa kabila ng respeto at pagtangkilik sa kanya ng mga tao, kokonti lamang ang nakaka-alam ng kanyang kwento. Kwento ng tagumpay sa buhay.

Si Allan Pineda ay ipinaganak noong ika-28 ng Nobyembre taong !974 sa liblib na baryo ng Sapang Bato sa Angeles, Pampanga. Iniwan sila ng kanilang ama na isang piloto ng US Airforce na nakabase noon sa Clark Air Base, matapos siyang ipinanganak. Dahil dito, mag-isang bumubuhay ang kanilang ina, si Cristina Pineda para sa kanilang magkakapatid. Bilang panganay ay tumutulong siya sa kaniyang ina na mag-hanapbuhay upang sumapat ito sa kanilang pangangailangan araw-araw. Kung minsan, ay magtatanim siya ng mais, tubo, palay at kamote upang makaipon. Pero hindi pa rin niya napabayaang mag-aral. Natitiis niyang sumakay lamang ng dyip patungong paaralan araw-araw kahit abutin pa siya ng isang oras sa biyahe. Sa kalagayang ito, hindi lubos akalain na balang araw , ang bolo at ararong kaniyang ginagamit sa pagtatanim ay mapapalitan ng mikropono at siya'y titingalain ng ating kababayan at ng buong mundo. At dumating nga ang araw na iyon.

Labing-apat na taong gulang si Allan nang siya'y magtungo sa Estados Unidos nang ang Pearl Buck's Foundation ay nagsustento sa kaniyang pag-aaral sa nasabing bansa. Ang 'foundation' ay naglalayon na matulungan ang mga batang Amerasian na ibinandona ng kanilang mga magulang at isa nga si Allan dun. Doon ay inampon siya ni Joe Ben Hudgens at pinag-aral hanggang sa mataas na paaralan. Sa kabila ng dugong Pilipino na nanalaytay sa kaniyang ugat ay hindi siya pinapansin ng ating kababayan doon. Sa Estados Unidos din niya nahasa ang galing at pagkahilig niya sa pagkanta lalo na nang magkita sila ni will.i.am na naging kasapi rin sa kanilang banda. Silang dalawa ay gumawa ng grupo kasama ng iba at regular na nagtatanghal ng 'break-dancing' at mga sayaw na hip-hop sa Los Angeles, California. Pinangalangan nila ang kanilang grupo na ATBAN Klan. Dahil dito ay nadiskubre ang kanilang potensyal ng Ruthless' Records at magkakaroon sana sila ng album nang mamatay ang may-ari ng recording company. Sa unang pagkakataon, naglaho ang pangarap nila sa industriya. Parang pinagtakluban ng langit at lupa ang nararamdaman nila noon. Pero hindi siya sumuko, noong taong 1998 (tatlong taon matapos ang kanilang pagkabigo) ay tinangkilik na namn sila ng recording-company at nagkaroon ng kanilang kauna-unahang album (Behind the Front) at sinundan pa ito ng Bridging the Gap na pawang pinuri ng mga kritiko. Taong 2003 ay inilabas ang kanilang 'breakthrough album', ang Elephunk. Isa sa mga awitin ng nasabing album ay ang 'The Apl Song' na naglalahad ng istorya ng paghihirap sa buhay. Ang koro nito ay Tagalog mula sa kantang Balita. Sa pagsikat ng banda (Black Eye Peas ang bagong pangalan at kinabibilangan nina Apl, Fergie, Will.i.am at Taboo), ay nararamdaman din ni Allan ang matamis na tagumpay. Ang mga kanta nila ay talagang hinahangaan ng mga tao sa loob at labas ng Amerika at napapasali pa sa Billboard's Top Ten. Naging popular din ang awitin na 'Bebot'. Ang kantang ito ay may koro ring Tagalog at naglalahad din ng istorya tungkol sa kaniyang kabataan. Ang grupo ay nagkamit din ng samu't-saring karangalan. at nominasyon katulad ng 'Grammy's at Golden Globe. Nagkaroon rin sila ng maraming 'concerts' at nagkaroon ng di mabilang na 'world tours'.

Tunay ngang hindi hadlang ang kahirapan upang maabot ang mga pangarap natin sa buhay. Katulad kay Allan Pineda o apl. de ap. Sino bang mag-aakala na ang mahirap na bata galing sa isang liblib na baryo sa pilipinas at ginagawa ang lahat upang makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw ang kaniyang ina at anim pang kapatid, ay balang araw, magiging popular na mang-aawit at mananayaw sa buong mundo? Nagmula sa pagtatanim ng iba't ibang bungang -kahoy at pagtitnda ng sarisaring paninda ay sa entablado pala patutungo. Kaya ating itatak sa isipan na hindi masama mangara at ang kahirapan natin sa buhay ay kailanman hindi magiging hadlang upang makamit natin ang tagumpay.


ΣΣΣ ἯὶйկṂḍҵṁḁṅ ΣΣΣ

⏏ ⏏“LIFE IS NOT A MATTER OF CHANCE, IT IS A MATTER OF CHOICE”⏏⏏


Ang blog na ito ay nabuo mula sa karanasan ng mga mag-aaral na bumubuo sa grupong ito. Ang grupong “HINGYAP”. Ito ay nangangahulugan ng “pangarap”o “layunin”. Ang mga kasapi ng grupong ito ay nagkaisa na pillin ang pangalan na ito sa kadahilanan na nagbibigay ito ng inspirasyong para sa aming lahat. Lakas ng loob at pag-asa na makamit ang anumang gusto naming makamtan. Para sa aming grupo naniniwala kami na magagawa ang lahat ng imposible kapag nagtutulungan.

Ang “it amon la” ay nangagangahulugan na ito ang aming gustong ipahayag sa lahat. Gusto naming malaman ng lahat kung ano ang aming mga saloobin at mga bagay-bagay tungkol sa amin. Ito rin ay dahil naging inspirasyon namin ang aming mga naging karanasan kahit bata pa kami ay meron na rin kaming natutunan.
Ikinagagalak naming ipakilala ang mga miyembro ng aming grupo.

Si âῤῤḸḕ, ang aming kagalang-galang na pinuno. Siya ay pinili naming pinuno dahil alam namin na kaya niya kaming pamahalaan. Hindi lamang siya matalino kundi isa ring relihiyosa. Naniniwala siya na hindi magtatagumpay ang isang tao kung walang pagsisikap.

Si ķỉɱ ay naniniwala na “EVERYTHING IS POSSIBLE IF YOU BELIEVE”. Si Kim ay isang masayahin at matalinong mag-aaral. Pagkanta at pagtugtog ng gitara ang kaniyang kinahihiligan dahil ayon sa kaniya mas naipapakita niya ang kaniyang saloobin hindi sa salita kundi sa musika.

Si ɟǻǹǡ, “NOTHING IS IMPOSSIBLE TO A WILLLING HEART”.Siya ay nahihilig rin sa pakikinig sa musika at pagtutugon ng biyolin. Kasi ayon sa kanya ay masaya siya at nawawala ang mga problema niya kung ginagawa niya iyon.

Si ƈÝȑȋɭɭȩ ang pinakamaingay sa grupo. Ingay na nagbibigay ng lakas ng loob sa amin upang kayanin lahat ng mga gawain. Kahit siya ganun ay meron siyang mabuting puso para sa kaniyang mga kaibigan.

Si ɱǡţţ ay naniniwala “IT IS BETTER TO LOSE PRIDE THAN TO LOSE SOMEONE YOU LOVE BECAUSE OF YOUR USELESS PRIDE”. Mahilig siyang magbasa kasi para sa kaniya natuto siya ng maraming bagay na magagamit niya sa kaniyang buhay.

At panghuli ay si ɳǾƐĹ, naniniwala siya na “PEOPLE ARE UNIQUE, THAT'S WHY WE CAN ALWAYS MAKE A DIFFERENCE”. Mahilig rin siyang makinig sa musika at magsulat ng mga babasahin. Dahil para sa kanya mas minamahal niya ang sarili niya at ang mga taong nasa paligid niya.
Ang mga mag-aaral na ito ay nagkaisa at nakabuo ng “obra maestra” na siyang maggiing larawan ng aming mga pagkatao.

Hindi natin maiwawari na nagkakamali din tayo paminsan-minsan. Pero nagkakaroon tayo ng pagkakataon upang magdesisyon sa anumang bagay na ating kinakaharap. Hindi maibabalik ang nakaraan pero magkakaroon tayo ng kapangyarihang baguhin ang kasalukuyan. Ika nga tayo ang may hawak sa ating buhay at tayo ang gumagawa ng desisyon para sa ating sarili.

ѱѱѱ ṱḮḡắḿḀΠ ѱѱѱ